mga tanong na walang sagot
inspired ng post ni dee tungkol sa kanyang kaarawan na mala melodrama ang eksena.
mga tanong na walang kasagutan
Paano makahihiling kung walang cake na may mga kandilang,
may mga usok na nagtatangay ng ating mga kahilingan sa langit?
Paano ako magigising kung walang liwanang
na hahatak sa aking papalayo sa dilim?
Paano ka mabubuhay sa alaala kung ikaw ay may amnesia?
Paano kita masisilayan kung ang mga mata ko'y bulag na
sa katitingin sa buwan?
Paano ako masusundo ng spaceship kung ubos ang kaniyan gasolina?
Paano ko marirnig ang halakhak ng ligayang napawi na sa akin?
Paano ko makakain ang Big Mac kung kinain na siya ni small mac?
Paano ko tatapusin itong mga tanong kung marami pa sa aking
ibinubulong?
si little birdie....... pakainin....pakainin..pakainin ng corn si little birdie.... para siya ay mabilaukan....
(wala.....wala......wala...ng bumubulong bruhahahahahahahahahahahaha !!!!!!!!!!)
sarangola
Parang isang sarangola ang kahilingan,
na sinasayaw ng ihip ng hangin.
Ninanais makarating sa buwan,
Ngunit napapadpad kung kahit saan.
Nung minulat ko ang aking mga mata,
hawak, hawak, ko pa rin pala.
Ang patid na tali ng sarangola
na minsa'y aking dinala.
Nasaan na kaya nakarating,
ang sarangolang pinakamamahal sa akin.
Nasa langit o nasa lupa ba,
niya binagsak ang aking pagasa?
No comments:
Post a Comment