Tuesday, May 23, 2006

DALIRI

Sumasakit at namamaga ang aking mga daliri dahil sa kakatype. Kaya ipapahinga ko muna sila. Sana managinip at lumipad sila papalayo dito sa hugis nang aking katawan. Masisiyahan kaya sila sa ganitong bagong kalagayan? Magdiriwang at gagawa ng mga bagong pangarap? Malulungkot kaya ako kung mawala ang kanilang mga mumunting panaginip sa aking mga kamay? Paano kaya ako yayakap, kakaway, o hahalik sa inyong palad kung mawawala ang aking mga daliri, na maghahadtid sa akin sa iyong piling?

No comments: